Monday, June 06, 2005

Talo or Panalo?

Kahapon nagpunta kmi sa St. Andrews para magBingo. Binentahan kc kmi ang ate ko ng bingo tickets worth P100 which is good for 5 games. Since fund raising project un ng simbahan, tinangkilik n namin. Bumili kmi ng dalawa. So umattend kmi kahapon. Nakapuwesto kmi sa isang table n malapit n rin sa stage. Sa pagmamasid-masid, nakabuo tuloy ako ng mga players category.
Bingo Hasslers - ung mga players na akala mo sa kalye lng nila nagbibingo. Nakasuot ng dusters, or sando at short shorts, sigaw ng sigaw, bibit ang mga anak. Minus lng din tong mga ito ng dumating si Congressman. Since nagdonate si congressman ng P2000 n pangraffle, tinawag ito ng mga emcee para magbigay lng ng maikling salita. Naloka lng ako sa mga taong ito dahil nung naglalakad n si congressman papuntang stage, bigla b naman sumigaw ng "Wag na! Tuloy n ung laro! Matagal p yan eh! Magsisimba p kami!" Ay sus! ano b itong mga taong ito. D n makuhang tumahimik n lng eh nagdonate naman ito ng pera pangraffle. Hayy... bakit b mga taong ganito? Tuloy si congressman, ang nasabi n lng eh."D ko n po patatagalin ang salita ko at alam kong nagmamadali n din po kyong lahat. (hehe tinamaan nga sa sigaw) Goodluck n lng po sa inyon lhat. Nawa'y lhat kayo'y manalo sa binguhang ito. Slamat po!" Feeling ko tuloy gusto n bawiin ni congressman ung dinonate nya. hehe

SM Bingo Suki - ito ang mga taong may bitbit n special bingo markers. Patunay n sila ay certified suki ng SM Bingo. hehe

Faculty Sponsors - Ito ang grupo ng mga highschool teachers n isa sa mga primary sponsors ng Bingo. Nakatuwa lng na karamihan sa mga raffle prizes ay sila lng din ang mga nag-uwi. hehe
Pamilya Bonanza - tulad namin, hakot ang buong pamilya sa paglalaro ng bingo.
Elite Groups - ito ung mga grupo ng mga mayayamang matatanda na mahilig umattend sa mga social events tulad nito.
Love Team - ang mga magbboyfriends/girlfriends na nagdadate sa binguhan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home