Wednesday, May 04, 2005

Magkababata Ba Tayo? - My Own Version

You might have received an email about the things you did when you're still a child. Inspired by it, I'm making my own version of it. Most of it are what I experienced during my childhood days (12 yrs old below). I know you can relate to some of this...

HAIR STYLE
Uso sa mga bata noon ang apple cut. Ganon din b pinagupit ng nanay mo non sa iyo?

O pinakulot mo ba ung dulong parte lng ng buhok mo kc uso un?

Gandang ganda ka sa naka-tiss n buhok?

ENTERTAINMENT
Kinakanta mo b ito habang nagddrawing ng baboy?
small circle, small circle, a big circle
small circle, small circle, a big circle
this is mama, this is papa
six times six equals thirty-six
six times six equals thirty-six

Favorite mo ba ung Eh Kasi Bata?

Isa ka ba sa mga pumila sa sinehan para makapanood ng Ok Ka Fairy Ko the Movie?

Nakakapanood ka ba ng Sampaguita Pictures sa channel 9 tuwing alas tres ng hapon?

Gusto mo ba lagi Sabado kc maraming palabas na cartoon sa umaga?

Favorite mo ba ang carebares, rainbow bright, shaider, bioman at smurf?

Batang Batibot ka ba or batang Sesame St?

BELONGINGS
May payong ka bang plastic na transparent?

May sapatos ka bang plastic?

Ang pencil case mo ba ay maraming functionalities?

May bag ka bang attachecase?

May sasakyang kotse k bang de-pedal?

Nagkaroon k ba ng puting sando na butas butas ang style?

DAILY ROUTINES
Kinailangan mo bang matulog sa hapon or else di ka makakapaglaro mamya?

Kung ayaw mo naman matulog, nagvovolunteer kng magtanggal ng puting buhok ng nanay mo para makatakas ka pag nakatulog na ito? hehe

Naniningil ka ng bayad kada hibla ng puting buhok na nakukuha mo? Singko at dyes kada hibla.

GAMES
Nangongolekta ka ba dati ng palara ng sigarilyo, then itutupi ito vertically at makikipagpustahan sa kalaro na parang pera ung palara?

Nagpipitpit ka ba dati ng tansan ng beer o softdrinks, lalagyang ng 2 butas, tatalian at paiikutin ng mabilis? Ikakaskas mo ito sa bato para wla lng? hehe

Nakapaglaro k b ng 10-20 or chinese garter bago magstart ang klase? Mother ka or baby?

Nagrerent ka ba ng game&watch dun sa mama sa labas ng skul nyo?

Nagkaroon k b ng texts na ang dami ay kasya sa atleast isang kahon ng sapatos?

Ginagawa mo bng bahay-bahayan ung folding bed nyo? At ang pintuan ay ang headboard nito?

Hinahaluan mo ng pinitpit na gumamela o okra ang tubig na may sabon para mas maraming bubbles?

Popular na sahog mo ba sa lutulutuan ay ang durog na chalk at sliced dahon?

Bumibili ka ba ng flat pink "something" at nagpepretend kang pari na nagsusubo ng ostia?

Naging sikat ka ba dahil may barbie doll ka?

Kung wla kng barbie doll, hilig mo bang laruin ay paper dolls? At gumagawa ka pa ng bahay nito na yari sa kahon ng sapatos?

FOOD
Kumakain ka ba ng aratiles? At pisatin na lng ito pag sawa ka na?

Nangunguha ka ba ng kamias sa kapitbahay nyo at isasawsaw ito sa asin bago kainin?

Pinapakain ka ba ng nanay mo ng kamatis para maging rosy cheek ka?


PLACES
Nagpupunta ba kayo sa Luneta para magbumpcar o magslide?

Nagpupunta ba kyo sa CCP para magpicnic at magtambling sa damuhan?

Nakaligo ka ba sa ilog?

HOLIDAYS
Naniwala ka ba kay Santa Claus kc lagi kng may chocnut, candies, dalandan, etc sa sinabit mong medyas tuwing pasko?

Nangarap o nakapagsayaw ka ba ng bate-bate sa kalye tuwing easter sunday?

Nagbubuo ka ba ng bolang kandila tuwing araw ng mga patay?

Excited ka ba kapag fiesta sa inyo kc may perya?

-------------

Wla na kong maisip. Kayo naman. =)


2 Comments:

Post a Comment

<< Home