Wednesday, March 02, 2005

Bloopers

I'm pretty sure everybody has its own bloopers in their lives. And Im not afraid to write it here in my blog so everybody would know. Nagpapakatotoo lng ako. So ito na po:

1. I was in grade school when my first blooper happened. It rained that day and the class had ended. So uwian na po. Kapag uwian, dalawang daan lng ang pde naming daanan: shortcut or longcut. Sa shortcut, dadaan lng naman kmi sa dating palayan na naging talahiban na naging daan naman sa kadadaan ng mga estudyanteng tulad ko. Gets nyo ang transformation? Estimated time: 3mins. Ang longcut naman, lalakarin mo naman ang mahabang daan (kaya nga long eh) palabas ng subdivision. Estimated time: 30-40mins. So san ka pa eh d sa shortcut syempre? Eh umulan nga d b? So sa shortcut ako dumaan. Buti na lng may mga batong pdeng apakan para d ganong maputikan. Eh kaso antrapik kc sobrang bagal magsilakad ng mga tao. Nagovertake ako sa kabilang daan na talahib lng ang apakan. Tutal may dumaadaan din naman don, join n ko. Mas mabilis don eh. As expected nde ako nadulas. Nalubog lng ang paa ko hanggang binti sa putik at kahit anong pilit kong umahon para less ang makakita ay di ko magawa. So everybody saw me, my classmates, school mates at ofcourse my teachers. Buti n lng tinulungan ako ng isa kong classmate (may crush kc sakin, buti d naturn off, hehe).
Lesson of the story: sasabay lagi sa may crush sa yo. Gets?

2. Still in grade school. Ang daan: sa shortcut pa din (wlang kadala-dala!). Infairness, nde don ang 2nd blooper. I survived sa shortcut. Nag-aabang n lng ako ng jeep pauwi. Tagal kong makasakay kc andami naming estudyanteng nag-aabang. Luckily may biglang humintong jeep sa harap ko. So dalidali akong sumakay. Pag-akyat ko ng jeep habang nasa pintuan p lng ako, bigla n lng syang humarurot ng takbo. Ayun tuloy ako nakasabit sa jeep ang isang kamay nakakapit sa hawakan at ang isa wumawagayway hawak ang attachecase ko. Pagtingin ko sa kanan, nakita ko may crush sa kin (iba naman to) napamulagat sa pagkabigla sa kinahinatnan ko.
Lesson of the story: cguraduhing nakauwi na ang may crush sayo bago sumakay ng jeep.

3. Three in a row. Would you believe na 3x akong nagkamaling muntikang mapapasok sa men's CR in just one day? Two of which is at the mall and the other one is in a hotel.
Lesson of the story: dont use your cellphones while going to the comfort room.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home