Pagbabalik loob at Pagpapatawad
Galit ang nararamdaman ko mula pa nung linggo.
Galit na kay bigat dalhin sa loob at di kaaya-ayang pakiramdam.
Resulta ay pagiging bugnutin at maikling pasensya sa lahat ng bagay.
Di makatulog sa gabi sa pag-iisip ng paghihiganti at pagtutuos.
Mula sa opisina ako ay napaisip...
Ayoko ng ganitong pakiramdam, mabigat at puno ng hinanakit.
Ako ay bagabag at hindi makapag-isip ng tama.
Apektado ang trabaho at pakikitungo sa kapwa.
Habang pauwi at tinahak ako...
Ng mga paa ko kung saan sa akin ay may makakatulong.
Lumuhod, nagdasal at humingi ng kapatawaran.
Nakiusap sa kanya na liwanagin ang aking isipan
At lalong lalo na ang matutong magpatawad.
Hiniling na gabayan at gawing matatag ang mga magulang
Sa pagsubok na dumarating sa knilang buhay ngayon.
Narito lng kmi palagi sa inyong mga tabi
Patuloy na magmamahal at magtatanggol sa laban ng buhay
At sa inyo na lumikha ng sakit sa puso ng mga magulang ko.
Matuto nawa kyong tumanggap ng inyong pagkakamali.
Ang tangi lng naging kasalanan ng tatay ko ay ang mahalin kyo ng labis.
Nawa ay maisip nyo ito.

2 Comments:
saludo me sau. at least nakuha mo pang ipagdasal ang tita mo na tama lang namang gawin dahil sinunod mo ang utos ni Lord na Love ur enemy.
nakuha mo pang magpatawad sa kabila ng lahat at ang bagay 'yan ay napakahirap gawin kaya nga saludo me sau.
By Anonymous, at Wednesday, October 26, 2005
napakabait mo talaga M'Noreen suuuper!! Kung ako yan baka nadyaryo na yan e.. Hope everything will be fine at maliwanagan na ung tita mong medyo sinasaniban ata.
By CoB, at Thursday, October 27, 2005
Post a Comment
<< Home