Tuesday, October 25, 2005

Pagbabalik loob at Pagpapatawad

Galit ang nararamdaman ko mula pa nung linggo.
Galit na kay bigat dalhin sa loob at di kaaya-ayang pakiramdam.
Resulta ay pagiging bugnutin at maikling pasensya sa lahat ng bagay.
Di makatulog sa gabi sa pag-iisip ng paghihiganti at pagtutuos.

Mula sa opisina ako ay napaisip...
Ayoko ng ganitong pakiramdam, mabigat at puno ng hinanakit.
Ako ay bagabag at hindi makapag-isip ng tama.
Apektado ang trabaho at pakikitungo sa kapwa.

Habang pauwi at tinahak ako...
Ng mga paa ko kung saan sa akin ay may makakatulong.
Lumuhod, nagdasal at humingi ng kapatawaran.
Nakiusap sa kanya na liwanagin ang aking isipan
At lalong lalo na ang matutong magpatawad.

Hiniling na gabayan at gawing matatag ang mga magulang
Sa pagsubok na dumarating sa knilang buhay ngayon.
Narito lng kmi palagi sa inyong mga tabi
Patuloy na magmamahal at magtatanggol sa laban ng buhay

At sa inyo na lumikha ng sakit sa puso ng mga magulang ko.
Matuto nawa kyong tumanggap ng inyong pagkakamali.
Ang tangi lng naging kasalanan ng tatay ko ay ang mahalin kyo ng labis.
Nawa ay maisip nyo ito.

Monday, October 24, 2005

Daughter's Revenge

Hindi ko alam kung dapat nga ba akong maguilty or tama lng ang ginawa ko sa "pang-aaway" sa tita ko kahapon. Alam kong masama ang makipag-away lalo na't nakakatanda sa iyo at kamag-anak mo pa. Pero pakinggan nyo ako dahil ako ay may dahilan.... Nagawa ko ito dahil sa sobrang pagmamahal ko sa tatay at nanay ko.
Ikwento ko lng sa inyo ng "maikli" ang istorya ng alitan sa pagitan ng tita at father ko...
Nang magretired ang father ko, nag-isip sya kung saang negosyo nya pdeng iinvest ang makukuha nya from his retirement. Suddenly, nakiusap ang tita ko na ibili na lang daw nya ng van at isosyo nya sa business nyang door-to-door. Pumayag ang father ko despite sa malaking pagtutol naming magkapatid. Dahilan nya gusto din namang nyang makatulong sa kapatid nya. Nakakareceived sya ng P4000+ every week. Maayos sa simula at naayon sa napagkasunduan nila. Naglaon ay mukhang nagkainterest na ang tita ko sa kinikita ng van. Nagsuggest ang tita ko na ariin na nya ang van dahil kaniya naman daw ang business na yon at don naman sa kanila nappark ang sasakyan. Ofcourse nde kmi payag na magkapatid sa suggestion ni tita, ang gusto na lng namin ay ipa-rent sa kanya ang van para continuous pa rin ang bayad kay tatay. Pero nde sya pumayag at ininsist na kaniya ang negosyo kaya dapat kanya ang van. Pumayag na lng ang tatay ko dahil ayaw na nyang makipagtalo sa tita ko at problema rin nya kung sakaling kukunin ang van ay saan nya ito ipapark. Inalok ng tita ko ang bulok nyang jeep kapalit ng van so para may kinikita pa rin si tatay. Hinayaang na lng naming magkapatid si tatay dahil insist nya tulong na lng daw nya sa kapatid nya un. Pinaoverhaul nya ang jeep at binilhan ng linya. Laking hirap at gastos nya para lng mapaayos ang jeep na ipinalit. Mula sa P4000+ naging P2000+ a week n lng ang narereceived nya pero yun ay pinambabayad pa nya ng loan nya sa pinagpaayos ng jeep. Isyu na samin lalo na sa akin ang pagpapalit ng van at jeep noon pa. Alam nyang malaking tutol ako sa nangyari. Pero anong magagawa ko, yun ang kaligayahan ng father ko, ang makatulong sa kanyang mga kapatid.
Kahapon, nakareceived ako ng text from my sister. Sabi nya "Alam mo na ba ang nangyari kina tatay at tita?" Kinabahan ako at agad ko syang tinawagan. Ayaw pa nyang sabihin skin dahil sya raw ay nasa bahay dahil baka marinig sya dahil ayaw ipaalam sakin nina nanay at tatay ang nangyari. Nagkita kmi sa SM at doon sya sinabi skin ang buong detalye. Tinanggalan na daw ng karapatan ng tita ko ang tatay ko sa jeep. Hanggang katapusan n lng daw sya makakakuha ng kita at ang mga susunod ay sa tita ko na raw. Bayad na raw ang mga nagastos nya sa jeep kya dapat lng na ibalik na raw sa kanya un. Whaattah! Tama ba naman un? Pangalawang beses na itong panglalamang. Ang father ko ang bumuhay sa mga negosyo nya. Pera ng father ko ang naging daan para lumaki ang kita ng negosyo nya. Tapos ngayong ang lahat ay kumikita na ay saka nya isasantabi ang father ko? Parang bulang nawala ang mga pinaghirapan nya mula sa pagtuturo ng ilang taon. At ito pa, nde pa tapos ang bayarin sa mga nagastos sa jeep. Ni wla pa ngang kinikita ang father ko dahil ipinambabayad pa muna nya sa mga loan ang kita non. Tapos heto malalaman na lng namin na binabawi na ang jeep. Oo sabihin na natin may kasalanan ang father ko sa pagiging maluwag sa desisyon ng tita ko, pero iyon ay dahil sa pagmamahal nya sa pamilya nya. Umasa sya na tulungan lng ang magkakapamilya. Pero bakit sa kabila ng mga ginawa nya ay ganito pa ang kinahinatnan nya. Walang utang na loob!
Ang pinakamasakit pa sa lahat ay ang malaman kong sinabihan ng masama ang father ko ng pinsan kong nakikitira sa tita ko. Sino ba sya? Anong kinalaman nya sa kasunduan ng father ko at tita ko? Wla syang karapatang awayin at pagsabihan ng masama ang tatay ko. Mabuti na lng at dumating ang tito ko at inawat sila. Doon nagpantig ang tenga ko. Handa talaga akong sumugod at awayin ang pinsan kong ito. Nasabi rin na itong pinsan ko raw na ito ang sya nang mamamahala ng jeep pagkatapos. Ayun! kitang kita ang motibo. Grrr!
Pumunta kmi ng kapatid ko sa mga tita ko nung hapon. Unfortunately wla ang tita ko. Pero ang nakausap namin ay ang isang tita ko na ina ng pinsan kong lumait sa father ko. Malaki rin ang partisipasyon nya sa mga desisyon ng tita ko. Nasabi na sakin noon ng father ko na binubuyo nya ang tita ko sa mga desisyon nya in favor sa kanila. Nag-usap kming tatlo. Di ko mapigilang iparamdam ang sama ng loob ko. Pinakita kong galit ako sa mga nangyari at ang ginawa nila sa father ko. Masakit saming magkapatid ang makitang apektado ang nanay at tatay namin dahil sa mga ginawa nila. Ang nanay ko ay nakukuha na lng umiyak sa twing tatanungin ni ate sa nangyari. Suggestion ng ate ko na kausapin ang tita ko pero huwag na daw dahil ayaw na nila ng gulo. Pero di kmi syempre papayag. Lihim sa kanila ang pagpunta namin ni ate kahapon sa mga tita ko.
Malamang ay nasabi na ng tita_2 ko sa tita_1 ko ang pagpunta namin ni ate kahapon. At kmi ay babalik mamya para hingan ng explanasyon ang ginawa ng nya sa father ko. Lalo na ang kagustuhan kong makaharap ang pinsan kong wlang respeto sa father ko. Humanda talga sila.
Awayin nyo na ko pero hangga't makakapagtimpi ako ay gagawin ko. Pero iba na ang usapan kung ang pamilya ko na ang involve. Mahal ko ang pamilya ko at handa ko itong ipaglaban kahit kanino pa man.

Friday, October 21, 2005

Huh?

This happened when I was still connected with my previous employer...

I went to the comfort room and I saw a woman combing her long straight hair. Nobody was there except her and me. I noticed that while combing, she's also smiling at herself in the mirror. I thought she would stop smiling since I was already there but she remained smiling. I got scared at her and I immediately packed up my stuffs and went out of the CR. Until now, I've been thinking... Is she just weird or she's the lady ghost in the 27th floor? Hmm...

Wednesday, October 12, 2005

Coffee Talk

in mapua: bring your own coffee, wash your own coffee cup.

in diavox: bring your own coffee, mang russel will wash your coffee cup.

in SunPhil: have your coffee from the dispenser, trash away your coffee cup.

bakit nga ba?

Pinagtataka ko lng, bakit ba sinasabi natin madalas na "laging nasa huli ang pagsisisi".

Oh eh talga namang dapat nasa huli ang pagsisisi kc meron ba naman taong magsisisi kung di pa nya ginagawa ang isang bagay? ang pasisisi ang nagaganap lamang pagkatapos ng isang pagkakamali, d nga ba? so natural lng na sa huli at never sa unahan ang pagsisisi. dnt say what is obvious. hehe

wala lng... wla lang magawa sa trabaho ngayon. hehe

Adios Credit Cards

Kahapon, nabayaran na namin ng full ung dalawang credit cards ko. Then we decided na ipaclose na rin.

Whew! sarap ng feeling. Adios credit cards!

Monday, October 10, 2005

Hello Blog Wold!

Bakit nga ba ito ang title ng blog ko ngayon? Ito ay dahil sa haba ng panahon na nde ako nakakapagblog, feeling ko nag-uumpisa na naman ako. Naging sobrang busy ako lately sa trabaho. Makailang beses akong nag-attempt magsulat pero madalas d ko natatapos. ung previous post ko ay inamag na sa draft bago ko pa maipagpatuloy at maipost. nalimutan ko na rin ung ibang nangyari. less na rin ung emotion since matagal ng natapos ang istorya na un.
Honestly, ngayon ko lng naramdaman maging masaya sa trabaho. Madalas kming overtime pero nde ako umaangal kc alam kong bayad un. Masaya dahil very challenging ang trabaho lalo na't nagagawa namin ang gusto ng mga clients sa system nila.
Last friday, it's our quarterly meeting. This was not just an ordinary meeting, It's more of, I would say, a program and team building. There were sports activities afterwards. May presentation pa ang mga new hires na tulad ko. Ang naisip nilang gawin namin ay PBB dance. Two nights din kaming nagpractice sa Makati. At tuwing may schedule kmi ng practice nagkakaproblema sa client namin. So no choice kmi kundi ang bumalik at solusyunan ang problema. Laging ganon ang nangyayari kaya lalo kming ginagabi sa practice dahil late na kmi dumarating sa Makati. Salamat na lng sa mga kasama namin sa matyagang paghihintay. Naiintidihan naman nila yon kasi yun ang trabaho namin.
On the day of our big event, bigla ako akong nagkaroon ng client call sa makati. Nakuuu, nagbabadyang di ako makakasama sa presentation. Bigat ng pressure from our bosses at kagustuhan kong makasama sa meeting, presentation at sports activity. Pinilit ko talagang makahabol. I even requested na ihuli na lng ang presentation namin at baka makaabot pa ko. Sad to say na nde na ko nakasama. huhu... Laki talga ng panghihinayang ko, sayang ung effort na pagpunta-punta at pag-uwi ng gabi from makati. haayyy.... ganon talga eh. tsk tsk tsk
Pero come to think of it, nagkaOT naman ako. as in OOOOTTTTT! sumatutal mga 28 hours of OT for that client call alone plus Saturday allowance na P1500. bwehehe.. may pangshopping na ko! yahoo Ansaya-saya noh?! Peace Yo!