Monday, September 05, 2005

Sakit Kalimot

hindi ko ubod maintidihan kung bakit napakabilis kong makalimot. nde pa naman ako ganong katanda para maging malilimutin. 26 pa lang naman ako at dapat active pa ang brain ko sa paghahanap ng mga impormasyon. una naisip ko dahil lng ito sa anaesthesia nung nanganak ako. pero naman anong petsa na at bakit malilimutin pa rin ako? magddalawang taon na ang anak ko, wag nyong sabihing epekto pa rin ng anaesthesia ito. arrgh...
maraming tuloy akong sinisisi kung bakit humihina ang aking memorya. isa na dito ang pagiging malabo ng mata ko. ang pagkakaalam ko kc malaking tulong sa mabilis na pagmememorya ng isang bagay ay kung ito ay makikita mo o maririnig. and since si labo mata ako, hirap akong maaninag ang mga bagay bagay. near sighted po ako. inshort, kung ano lng ang mga malalapit sa kin ung lng ang maliwanag na nakikita ko, the rest blurred na. nakailang salamin na nga ba ako? d ko na matandaan. nakapagtry na din ako ng contact lens, kaya lng suko ako sa tagal kong maglagay sa mata. imagine, dutdutin mo daw ba mata mo para lng mailagay ung salamin na yon? tapos madalas pa natutuyuan kaya nagiging antukin tuloy ako sa trabaho. hayyy... dahil sa pagiging malabo ang mata, nababawasan ang aking kaalaman lalo na't involved ang mga impormasyon nakukuha lamang sa paningin.
palaisip akong tao. kaya madalas pag may problema kahit hanggang saan ako magpunta, iniisip ko pa rin sya. minsan, napag-isipan kong magpractice na d muna ako mag-isip. i wanted to clear my mind. hmm... feeling ko successful naman ako. kaya lng mukhang nagustuhan ng utak ko ung ginawa ko kya minsan ayaw na nyang tumanggap kahit anong pilit ko. ehehe
bilang solusyon bumili ako nga gamot, glutaphos. subok ko na ito nung college pa ako. promise! naipasa ko ung isang exam namin dahil d2. nawa talga magamot ako nito.
bakit ko ba biglang naisip tong topic na to? kc ang minus namin d2 sa ofc, nalimutan namin ung gagawin namin dapat nung friday. tumawag na ung boss namin d2 (buti d ako ang nakasagot, hehe) at tinanong kung bakit d namin nagawa ung binilin nya last week. ang sinagot na kasama ko nde hinabilin nung isa naming kasama na absent ngayon. hirap din maging absent eh. syo sinisisi ang mga pagkakamali ng iba. d ka naman makapagreact kc wla ka nga d2. well that's life. nde naman ako dapat maging guilty kc d naman ako ang nagsabi pero alam ko ksalanan talga namin. mamya balak kong bumili ng organizer para maisulat na lahat ng schedules ko. =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home