Friday, July 15, 2005

Rally! Rally! Rally!

Ano na nga ba nangyari sa rally ng oposisyon nung wednesday? Mukhang parang nauwi lang sa wala. Konti lng naman ang taong dumalo sa tingin ko. Anluwag ng ayala eh. Dumami lng nang magsimula na ang programa. Pero malayo sa dami ng taong dumalo sa Edsa I & II. Karamihan pa sa mga taong nandon ay ung mga bayarang rallyista. Need a proof here's the picture of the cash coupon.
Image hosted by Photobucket.com
Sino ba naman ang hindi maeenganyong dumalo sa rally. May P300 ka na, may libreng concert pa ng mga artista. hehe Ansaya saya noh?!
Dahil rin sa rally marami ang nalate (pati ako!). Umaga pa lng sinara na nila ang ayala ave. kaya ang mga kawawang empleyado ay kay-aga-agang nagwalkathon sa kalsada. Marami ang naperwisyo. Marami ang naapektuhan. 8:30am ang time ko, dumating ako ng 9:30am, at uwian na ng 10:30am!Whaatah! Kung isa cguro ako sa mga naglakad nung umaga na yon, maiinis ako. Imagine, naglakad ka papuntang ofc, pagkatapos ng 1 oras ng pahinga, lalakad ka na naman pauwi? Nyeheheh... Kaya ako pinanindigan ko na lng na late ako. Di na ko sumama sa walkathon. Mabuti pang magstay n lng ako sa kotse at makinig ng Rx, masaya pa araw ko. Kahit naman kc maglakad ako, malalate pa rin naman ako. So okay lang. at saka lahat naman late eh. hehe
Ano ano nga ba ang epekto ng rally nung wednesday? hmm...
Dahil sa rally...
.....nagkaroon ng intant holiday
.....marami ang pumayat dahil sa maagang forced walkathon
.....nawalan ng traffic sa ayala (walang himala!)
.....muling nagbabalik ang mga laos at talunang politiko
.....may libreng concert. at dahil dyan
.....nagkasideline ang mga artista
.....nalugi ang mga mayayamang may-ari ng kumpanya, pero
.....kumita naman ang mga mahihirap na kariton vendors (bilog ang mundo!)
.....nagka-overtym pay ang mga metro aide sa paglilinis ng kalat ng mga rallyista
.....nabawasan ang budget ng Makati dahil sa cash coupons
kayo? ano naging epekto ng rally sa inyo?

2 Comments:

Post a Comment

<< Home