Tuesday, November 08, 2005

Beautanicals...

No offense sa mga fans ni Angel Locsin ha... Just wondering bakit sya pumayag sa script ng commercials nya ngayon about facial cleanser. Ok naman sya tlagang maging model ng product na yon kya lng i dnt like the commercial. it's quite degrading at di na naman sya baguhan para iaccept ang ganong role.
Una nagmukhang "Stop-Me" ng The Buzz ung makailang ulit nyang sinabing "beautanicals". Para tuloy syang nahilera sa mga suki ng Stop-Me na sina angelica jones, da bodies, at kung sinu-sino pang starlets.
Pangalawa, bat naman sya pumayag na magpatihulog sa hagdan ng eroplano para lng dumumi ang mukha nya at maiapply ang facial cleanser na un. Nandoon na ko sa idea na sya ay taas noong tumayo pagkatapos pero kailangan pa ba nyang ipahiya ang sarili nya alang-alang sa facial cleanser na un? Un lng ba ang paraan para maiendorse ang produktong iyon? Pansinin nyo ang ibang facial cleanser commercial, malaki ang paggalang nila sa kanilang mga endorsers. Pinalalabas talaga nila ang knilang kagandahan at maging mukhang perfecto para idolohin at pamarisan ng mga manunuod. Usually nang-eenganyo ito na pag ginamit nila ang produkto ay mangyayari rin sa knila ang nangyari sa endorser nila. Kaya lng kay Angel parang ayoko atang malaglag sa eroplano... hehe

Sulit!

Sulit na sulit ang 3 days vacation ko last weekend. Medyo lugi na nga kc tatlong araw lng dahil sa mga overtime at pagpasok ko pa rin sa office mula Oct 29 to Nov 3. Sinadya kong wag pansinin ang phone ko for 3 days para lng maignore ang mga unexpected and unwanted client calls. Im so bad! hehe

Naging productive and todo bonding kmi sa aming bebe last weekend. Pinagplanuhan namin dati na magTagaytay pero we decided na wag n lng kming lumabas ng bahay sa laki rin na magagastos namin sa gasolina at pagkain. We really preferred na magstay na lng sa bahay at magbonding na lng by doing some household chores.

Friday, we decorated our home with Xmas decors. Nagkaproblema pa kmi kung saan namin ilalagay ang 7-foot tall xmas tree dahil ang dating nitong pwesto ay pinagharian ng aming mga alagang isda sa kanilang acquarium. After a few hours of planning and debating with my hubby, we decided to put it on our staircase. Though lagpas sa ceiling namin, ok pa rin naman syang tingnan. Nakakatuwa rin itong si bebe dahil tuwang tuwa sya sa dami ng ilaw ng xmas tree. since mag-2 yrs old na sya, ngayon lng nya naappreciate ang mga xmas decors sa bahay. nagpicture taking pa nga sya sa tabi nito.

Saturday, napagdiskitahan kong maglinis ng lababo at banyo. Actually ito ang madalas kong gawin lalo na't bakasyon at wlang ginagawa. Masyado kc akong partikular sa kalinisan ng lababo at banyo. Hindi ok sa akin ang nangingitim or naninilaw na tiles. Gusto ko puti! puti! puti! Ayoko rin ng may nakasalang ng kung anu-ano sa filter like natirang sabon, empty sachet, etc. Inayos ko na rin ung leak sa CR using the epoxy clay. Favorite na talga namin ang produktong ito dahil sobrang gamit na gamit sa bahay namin. Lahat ng leak katapat lng nyan epoxy clay. hehe

Sunday naman, simba sa umaga at attend ng binyag ng anak ng kaibigan namin. Binalak namin na maggrocery sa SM pagkatapos kaya lng dahil kay Sam ng PBB, pinagpaliban na lang namin at minabuting magsiyesta at manood na lng ng tv sa bahay.

Sunday night, nagpaalam na kmi kay ashley na tapos na masasayang bakasyong ng momi at dadi nya. so tomorrow back to normal na ulit at kailangan n naman namin syan iwan sa ate nita nya. nakakagulat lng na naintindihan na nya ang mga sinasabi namin at nakuha nyang magtampo at isubsob ang mukha sa unan. Then nagsalita, huwaaag... hindi iwan as-lee... wawa as-lee...
Ay ang bebe namin... nakakaawa pero that's the reality my baby. We need to work para din naman sa iyo ito. We're doing this because we want you give you a better life. Masunod ang luho at mga gusto mo. Haayyy my ashley ghurl... we love you so much. muaah!